Ni Orly L. Barcala

Pinasok ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ng isang accountant at tinangay ang mga ala¬has at cash nito sa Valenzuela City, nitong Martes ng umaga.

Hindi maalis ang takot ni Marilou Doceran Aran, 56, ng Mercedes Street, Barangay Gen. T. De Leon ng nasa¬bing lungsod.

Nadiskubre ni Aran na bukas ang pinto sa sala at nakasabit na ang susi sa door knob, bandang 7:00 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod dito, natuklasan niyang bukas ang lahat ng drawer sa unang palapag ng bahay, nagkalat din ang mga gamit at nawawala na ang kanyang mga alahas, na nagkakahalaga ng P100,000, at P170,000 cash.

Ayon kay Aran, posibleng madaling araw pinasok ng kawatan ang kanyang bahay at siya ay nahihimbing.

Ayon pa sa biktima, naiwan niyang bukas ang bintana at po¬sibleng sinungkit ng mga ka¬watan ang susi ng pintuan.

Inaalam na ng awtoridad ang pag¬kakakilanlan ng mga suspek.