Ni JIMI ESCALA

AYON kay Nash Aguas, may posibilidad na mabubuwag na ang loveteam nila ni Alexa Ilacad pagkatapos ng kanilang seryeng The Good Son.

Nash at Alexa copy

Ang singing career daw kasi ni Alexa ang pagbubuhusan ng panahon nito.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Si Alexa kasi, eh, ang pagkanta ang pangarap niya talagga. Kumbaga, ang maging singer ang gusto niya at okey naman ‘yun sa part ko. Supportive na rin naman ako sa desisyon niyang ‘yun,” sabi ni Nash.

May ibang pangarap din naman kasi siya bukod sa pagiging aktor.

“Kumbaga, kaming dalawa, eh, magkaiba ang pangarap sa showbiz. Siya gusto niyang maging singer ako naman, eh, may iba pa rin akong pangarap. Gusto ko talagang maging director,” banggit ng Kapamilya actor.

Magkagayunman, mananatili pa rin ang pagiging good friends nilang ni Alexa.

Dahil sa pakiramdam na maghihiwalay na sila ng landas ni Alexa, nabanggit ng binatilyo ang naramdaman niya nang tuluyan nang maghiwalay ang mga magulang niya.

Last year pa raw nagdesisyon ang kanyang ama at ina na maging “friends” na lang.

“Andu’n pa rin naman ang communication nila sa isa’t isa. Friends pa rin naman sila,” sey ni Nash.

Hindi naging madali kay Nash na tanggapin ang desisyon ng mga magulang niya. Pero ano raw naman ang magawa niya?

“Nu’ng una parang unfair sa akin, ‘yun naman, di ba? Pero later on, eh, na-realize ko na hindi ko na ito desisyon.

Kumbaga, anak po ako, kailangan ko na rin na suportahan sila, kasi unfair kung ano ‘yung magdesisyion para sa kanila.

“Sa totoo lang naman kasi, eh, may kanya-kanya naman silang opinions, so, ang magagawa ko, eh, suportahan na lang natin sila, at huwag nang maging pabigat pa sa problema,” katwiran ni Nash.

Naniniwala siya na ang anumang nangyari sa mga magulang niya ay “blessing” pa rin.

“Sa akin, eh, naisip ko na blessing siya, kasi kung hindi ko naranasan ‘yun na naghiwalay sila, eh, hindi ako mag-i-step-up. Siguro andu’n pa rin ako na nagpa-party pa rin o kagaya ng ibang teenager na walang direksiyon sa buhay.

“Ngayon, eh, sinabi ko sa sarili na kailangang pagbubutihan ko ‘to para sa kapatid ko, sa daddy ko at sa Lola ko,” seryosong lahad ng magaling na actor-entrepreneur na si Nash Aguas.

Sa murang gulang, may chain of restaurants na siya.