Ni Beth Camia

Dalawang kapwa akusado nina Kerwin Espinosa at Peter Lim, na kapwa nahaharap sa kasong ilegal na droga, ang nadiskubreng pinatay.

Ito ang nakumpirma matapos na ipina-subpoena ng Department of Justice (DoJ) ang mga respondent sa drug case na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), kabilang sina Max Miro at Nelson Pepito.

Gayunman, batay sa mga subpoena na ibinalik sa DoJ, kapwa pinaslang ang dalawa.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Nabatid na Marso 10, 2018 nang napatay si Miro makaraan umanong manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya sa kanyang bahay sa Barangay Bantigue sa Ormoc City, Leyte. Nahaharap siya sa kasong murder sa pagpatay sa isang pulis.

Pinagbabaril at napatay naman ng riding-in-tandem si Pepito nitong Disyembre 1, 2017 sa Bgy. Seguinon sa Albuera, Leyte, batay sa police report.

Nagpadala ng subpoena ang DoJ sa mga respondent sa kaso nina Espinosa at Lim para padaluhin sila sa preliminary investigation sa Abril 12.