Ni Rey G. Panaligan

Inaasahang ilalalabas ng Supreme Court (SC) sa huling linggo ng Abril ang resulta ng 2017 bar examinations.

Ngunit, ayon sa isang source, hindi pa matukoy kung sa Maynila o sa Baguio City ihahayag ang resulta ng bar exams, dahil sa nasabing panahon ay nasa Baguio ang mga SC justice para sa kanilang summer sessions, na matatapos na sa huling linggo ng buwang ito.

Pinamunuan ni SC Justice Lucas P. Bersamin ang 2017 bar examinations committee, na may kabuuang 7,227 nagtapos ng abogasya sa bansa ang kumuha ng pagsusulit sa University of Sto. Tomas noong Nobyembre 2017.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20