SINORPRESA ng Kapamilya stars sakay ng Sorpresaya Truck ng ABS-CBN ang libu-libong fans sa Bulacan at Pampanga para magbigay ng saya at maglingkod sa publiko.

Sa halip na ang mga tagahanga ng ABS-CBN ang bumiyahe papuntang Metro Manila, ang Kapamilya stars ang nagpunta sa Pulilan, Mabalacat, Baliuag, Guiguinto, at Arayat para magkaroon ng mas makabuluhang bonding kasama ang kanilang fans.

Dinagsa ng 8,000 fans ang pagpunta ng Sorpresaya Truck sa Mabalacat, Pampanga at malalakas ang tilian nang magpakitang-gilas sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Richard Gutierrez.

Naging usap-usapan din ang Sorpresaya Truck sa Twitter. Umaapaw sa saya ang naramdaman ni Twitter user @edmiragrace dahil sa pagkakataon na makita nang live ang kanyang mga idolo. Aniya, “sulit yung 7hrs na pagtayo at pagtiis sa init.”

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

Nag-tweet naman si @kathnielonlyyy ng kanyang paghanga sa Kathniel love team. “sobrang ganda at gwapo niyo!!! Mahal na mahal ko kayong dalawa,” ani ng fan sa Twitter.

Bukod sa KathNiel at kay Richard, all-out dance performance ang ipinakita ng Hashtags, at ilang masusuwerteng fans naman ang nakapagtanong sa kanilang paboritong Kapamilya stars para mas makilala pa nila ang mga ito.

Naki-bonding din ang stars ng The Good Son, Asintado, at Sana Dalawa ang Puso sa fans nila sa Pulilan at Guiguinto, Bulacan. Hinarana nila ng iba’t ibang awitin ang mga dumalo.

Masaya rin ang naging karanasan ng mga Kapamilya sa Arayat, Pampanga at Baliuag, Bulacan na binisita ng cast ng Hanggang Saan, It’s Showtime Hashtags, Team YeY kids, at sina Kuya Jobert at Shine Kuk ng Banana Sundae.

Bukod sa sayang hatid, handog din ng Sorpresaya Truck ang ilang public service activities tulad ng job fair, livelihood program, storytelling sessions, at seminars tampok ang iba’t ibang paksa kabilang na ang financial literacy, citizen journalism, at crime prevention.

Inilunsad noong 2017 ang Sorpresaya Truck ng Kapamilya Network na pinangungunahan ng ABS-CBN TVplus na layong magbigay ng hindi malilimutang Kapamilya experiences sa mga Pilipino. Abangan ang susunod na Sorpresaya Truck event sa mas marami pang lugar.