Mula sa Complex

SINAMPAHAN ng kaso ni Mezhgan Hussainy, ex- fiancée ni Simon Cowell sina Tyga at ang kanyang limang taong gulang na anak na si King Cairo, ayon sa ulat ng TMZ.

Tyga at King Cairo

Ang kaso ay mula sa pagrenta umano ni Hussainy sa kanyang Beverly Hills mansion sa halagang $40,000 kada buwan. Lumipat si Tyga sa bahay nito noong Marso 2017.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Gaya ng inaasahan, nagdesisyong magsampa ng kaso si Hussainy upang masolusyunan ang problema. Aniya, tumigil sa pagbabayad ng renta sa kanyang bahay si Tyga noong Enero at nagsampa siya ng kaso upang mapaalis ito sa bahay, at makolekta ang natitira pang utang nito.

Ang kakaiba sa senaryong ito ay kasama ang limang taong anak ni Tyga na si King Cairo sa listahan ng defendant. Ito ay dahil ipinangalan ni Tyga sa anak ang renta. Upang mas maging klaro, si King Cairo ay nakalistang “other defendants” sa opisyal na dokumento.

Hindi ito ang unang kasong isinampa sa 28 taong gulang na rapper. Sa pagsisimula nitong taon, naharap siya sa posibleng pagkakakulong kung pumalya siya sa pagbabayad ng $250,000, dahil sa hindi niya pagsipot sa Korte.

Ang pagdinig sa korte ay konektado sa kasong isinampa ng isang fan, na umano ay nagkaroon ng head injuries nang paluin ng isang light fixture sa isang concert niya.

Ang babaeng nagsampa ng kaso ay si Shyanne Riekena, naipanalo nito ang kaso at nakatanggap ng $235,000. Gayunpaman, ayaw umanong bayaran ni Tyga ang nasabing halaga.

Samantala, available na ang pinakabagong album ni Tyga, ang KYOTO sa lahat ng mga pangunahing music streaming platforms.