Ni Anthony Giron

Patay ang isang walong taong gulang na lalaki habang sugatan naman ang kanyang 14-anyos na kapatid nang mabundol sila ng pick-up truck matapos ang family outing sa isang beach resort sa Naic, Cavite.

Nasawi sa tinamong sugat sa ulo si RL Abraham Gabing, residente ng Barangay San Martin de Porres, Parañaque City.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Isinugod siya sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa Naic.

Nagtamo naman ng sugat sa katawan ang kapatid niyang si Ralph Lawrence, na isinugod din sa nasabing ospital.

Inaresto naman si Ruel Encenas Lucerna, 53, driver ng dilaw na Mitsubishi Fuso pick-up truck (DTX-476) matapos ang aksidente sa madilim na bahagi ng Timalan Concepcion Highway, dakong 7:20 ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Anthony B. Macario, aksidenteng nabundol ng truck na patungong Tanza ang magkapatid na Gabing habang tumatawid sa kalsada.

Sinabi ni PO2 Macario na nangyari ang aksidente matapos ang outing ng pamilya Gabing sa Aroma Beach Resort at naglalakad ang mag-anak sa kabilang lane para makasakay sa pampasaherong bus pauwi.