Ni ADOR SALUTA

SI Janet Lim Napoles ang itinuturong mastermind ng PDAF scam na nagdawit kay dating Senador Bong Revilla, Jr. sa kasong plunder kaya naka-detain siya sa PNP Custodial Center, sa Camp Crame simula noong 2014. Nakasama niya ang dalawa pang akusadong senador na sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, na pareho nang nakalalaya.

bong

Ang itunuro namang pasimuno ng PDAF scam na si Janet Napoles ay nakakulong pa rin at ngayon ay ilalagay sa witness protection program ng Department of Justice.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

May pahayag ni Bong na pabor siyang maging state witness si Napoles na siyang dahilan kung bakit siya naka-detain sa PNP Custodial Center.

Sa isang Facebook post kamakailan, ibinahagi ni Bong ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging state witness ni Napoles.

Ipinagtataka ng dating senador kung bakit tila maraming tao ang natatakot sa mga sasabihin ni Napoles tungkol sa PDAF scam.

Para kay Bong, mas gusto niyang magsalita na si Napoles upang malaman ng taong-bayan ang buong katotohanan tungkol sa kasalanang ibinibintang sa kanya.

Hindi raw siya natatakot kung sakaling maging state witness si Napoles dahil nais din niyang malaman ang totoo.

Narito ang buong pahayag ni Bong:

“Why is everyone so afraid of what Napoles has to say?

“I will reiterate what I have said over 4 years ago, let her speak and say everything she knows.

“State witness or not, she has to spill the beans. Tamaan ang dapat tamaan; mapanagot ang dapat managot; at maparusahan ang mga tunay na dapat maparusahan.

“There are people who would prefer she keep quiet. Sila ‘yung may mga itinatago at kinatatakutan.

“I have nothing to be afraid over what she says because I too want to know the truth.

“I want to know how I was victimized by politics. It’s time the truth comes out.”

Mabagal ang pag-usad ng kaso laban kay Bong, pero hindi raw siya nawawalan ng pag-asa na makakamit niya ang pinakaaasam na hustisya balang araw.