Kumikilos na ang Philippine National Police (PNP) upang matuldukan ang recruitment ng New People’s Army (NPA) sa mga estudyante sa kolehiyo.

Nanawagan ang pulisya sa mga estudyante at kanilang mga magulang na maging alerto laban sa mga student organization na pinaniniwalaan ng pulisya na napasok na ng mga komunistang rebelde.

Ayon kay Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsalita ng PNP, isa sa mga indikasyon na may kaugnayan sa NPA ang isang student organization ay ang pagsasagawa nito ng mga aktibidad sa labas ng campus, partikular sa mga lugar na mayroon presensiya ng mga rebelde.

“The Philippine National Police discourages students from venturing into insurgency-affected areas to join summer off-campus activities that are organized by groups that may have been infiltrated by front organizations of the terrorist CPP (Communist Party of the Philippines)-NPA,” ani Bulalacao.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

“At the same time, the PNP cautioned parents of students to be wary of extra-curricular activities that are not sanctioned or approved by school officials such as off-campus social immersion programs, teach-ins, symposia, and social field work,” dagdag pa ni Bulalacao.

Ito ang naging pahayag ni Bulalacao kasunod ng mga insidente na namamataan ang ilang estudyante sa kolehiyo kasama ang mga tauhan ng NPA sa mga lugar na pinamumugaran ng mga rebelde.

Dagdag pa niya, may namo-moanitor din ang pulisya na pagsali ng mismong mga estudyante sa pananambang at pag-atake ng mga rebelde sa puwersa ng gobyerno—kaya naman ilang estudyante ang kung hindi napapatay sa bakbakan ay naaaresto kasama ng NPA.

“The sad part is that their parents never knew of their involvement with the underground movement,” sabi pa ni Bulalacao. - Aaron B. Recuenco