Zac Efron at Alexandra Daddario
Zac Efron at Alexandra Daddario
NAGTULUY-TULOY ang Bae-watch para kina Zac Efron at Alexandra Daddario.

Mukhang magkasintahan ang Baywatch co-stars nang lumabas sila sa Los Angeles. Nitong Miyerkules, nag-shopping ang dalawa sa isang pet store kasama ang kanilang dalawang aso. Masaya sila habang magkasamang namimili ng mga gamit. Si Efron, 30, ay bumili ng crate para sa kanyang inampong pit bull mix, samantalang akay-akay naman ni Daddario, 32, ang kanyang pooch, si Levon.

Umusbong ang mga usap-usapan na mayroong relasyon sina Efron at Daddario na tumagal na ng halos isang taon, mula nang mailabas ang kanilang pelikula noong Mayo.

Hindi nagkomento ang dalawang bituin sa bulung-bulungan; gayunman, nag-post si Efron ng isang sweet tribute sa kanyang maybe-girlfriend noong kaarawan nito, ilang linggo na ang nakalipas. - Yahoo Celebrity

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter