Ni LITO T. NAÑAGO

Kyline Alcantara
Kyline Alcantara
TULAD ng iba pang artista, Holy Week break na rin ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara. 

Tinapos lang ni Kai (palayaw sa kanya) ang ilang showbiz commitments niya sa SM Valenzuela nu’ng Sabado ng hapon, guesting sa Sunday Pinasaya nu’ng linggo ng tanghali at dalawang magkasunod na taping ng top-rating primetime show na Kambal, Karibal kasama sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. 

Nu’ng Miyerkules ng gabi, sakay ng kanyang brand-new van ay tumulak na si Kai, kasama ang mga magulang na sina Mommy Weng at Daddy Butch papuntang Naga City para sa kanyang annual summer vacation at Holy Week observance.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Uuwi po ako ng Naga,” kuwento ni Kyline, na tinatawag ngayong Le Nueva Kontrabida, “uuwi ng Bicol. Bibisitahin ko po ‘yung hometown ko, ‘yung mga kamag-anak ko pati ‘yung mga supporter kong nakatira sa Bicol.

“Tradisyon na po kasi namin kapag Holy Week na magbisita iglesia, ‘tapos sumasama sa prusisyon.”

‘Katuwa ang kuwento ng 15-year old Bicolana star tungkol sa kanyang grandmother. 

“Sabi ng lola ko, ‘Sobrang iyak ko sa iyo, Kai, kinakawawa ka nila.’ Sabi ko naman, trabaho lang naman ‘yun. Ang maganda nito, pati lola ko, napapaiyak ko pala at naaapektuhan ng istorya namin. 

Laking pasasalamat ng dalaga na mula sa pagiging salbahe ay unti-unti nang bumabait ang kanyang ginagampanang role sa serye. 

“Kaya nga po nagpapasalamat po ako sa staff & crew ng Kambal Karibal na binigyan nila ako ng chance na maging bida/kontrabida sa soap. Matagal ko na rin pong pinaghahandaan itong pag-change ng characters,” pagtatapat ng dalagita. 

Bukod sa akting, papasukin na rin ni Kyline ang pagkanta’t recording.

“Lahat, subukan natin. Para tuluy-tuloy lang ang karera. Sobrang saya ko po dahil binibigyan ako ng chance ng GMA & GMA Artist Center para maipakita ‘yung mga nakatagong talentong nabuo ko for a very long time and sobrang saya ko dahil pinagkakatiwalaan nila ako.”

Nakatakdang bumalik ng Maynila si Kai bukas, Easter Sunday.