
Ipinagkaloob sa Caltex ang Gold Anvil Award.
Umabot sa 1,567 guro at 42,955 estudyante sa Bicol region ang natulungan ng Caltex Fuel Your School na mapataas ang kaalaman sa aspeto ng Science, Technology, Engineering at Math (STEM). Mula nang magsimula noong 2015, kabuuang 3,000 guro at 1.17 milyon na estudyante mula sa 88 public high schools ang nabiyayaan ng naturang programa.
Sa pakikipagtulungan ng Southern Cross Distribution Inc., ang Caltex Fuel Your School ang nakalikom ng P3 milyon, sa pamamagitan ng fuel-to-donate scheme at nagbunga rin sa pagtaas ng sales volume para sa 22 Bicol Caltex station na nakiisa sa programa.
Ang nakalap na pondo ang siyang ipinambili sa LED projectors, smart TVs, laptops, tablets, calculators, microscopes, lab equipment at iba kagamitan para sa pag-aaral. Ibinigay ang suporta sa 30 public high school na pinili ng Department of Education.
“This award validates the efforts of our beloved teachers and student for better education. Caltex will continue to partner with students, teachers and communities in other regions of the country to help bring 21st century teaching to our public high schools,” pahayag ni Atty. Raissa Bautista, Policy, Government, and Public Affairs Manager of Chevron Philippines Inc.(CPI), marketer of Caltex, said.