MULING ibabandera ng magkapatid na Samantha at Gabriel John Umayan ng Davao City ang bandila ng bansa sa paglahok sa18th Bangkok Chess Club (BCC) Open Chess Championships sa Abril 13-21 sa Regent Cha-am Beach Resort sa Petchburi, Thailand.

Ang 11-year-old na si Samantha, Grade 6 pupil ng Buhangin Central Elementary School, ay nagwagi ng tatlong ginto sa standard, rapid at blitz team events at nasikwat naman ang silver sa rapid at bronze sa standard play sa Girls 12 years category sa nakalipas na 18th Association of Southeast Asian Nations Age Group Chess Championship sa Kuantan, Pahang, Malaysia nitong Disyembre.

Ang nakatatandang kapatid na si Gabriel John, 12, Grade 7 student ng Holy Cross of Davao College ay nag deliver ng two golds sa standard at blitz team events plus bronze medal sa individual standard play sa Boys 12 years category.

Kamakailan nakuha ni Samantha ang over-all 4th place sa katatapos na 2018 National Age Group chess championships Mindanao leg Girls 12 and under nitong Marso 25, 2018 na ginanap sa Baywalk Hotel, Mati City, Davao, Oriental habang ang kanyang kapatid na si Gabriel John ay tumapos ng over-all 16th place sa Boys 14 and under.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Makakasama nina Gabriel John at Samantha ang kanilang ina na si Merlinda Babol Umayan sa Bangkok Open chess.