Ni Orly L. Barcala

Bilang bahagi ng mga paghahanda ngayong Semana Santa, itinaas ni Northern Police District (NPD) director, Chief Supt. Amando Clinton B. Empiso sa red alert status ang buong Northern Metro area.

Unang pinulong ni Gen. Empi so ang mga hepe ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Police Station at inatasang maging handa sa anumang oras ngayong Mahal na Araw.

Nagpakalat a n g NPD ng mahigit 1,000 pulis, na magbabantay sa mga pangunahing lansangan sa mga nasabing lungsod.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kabilang sa mga babantayan ng mga pulis ay ang mga simbahan, bangko, at bus terminal.

Pinaigting din ng NPD ang mga checkpoint sa CAMANAVA area, upang siguruhing hindi malulusutan ng masasamang elemento.

Payo ni Empiso sa publiko, huwag i-post sa social media ang lugar ng kanilang kinaroroonan.