Nina Hans Amancio at Mary Ann Santiago

Arestado ang dalawang armadong lalaki, kabilang ang isang binatilyo, matapos mahulihan ng baril sa hiwalay na insidente sa Tondo, Maynila, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni PO2 Ronaldo Duenas, imbestigador, ang suspek na si Lenard Alabata, 18,helper, ng Building 24, Unit 65, Temporary Housing, Barangay 105, sa Tondo ng nasabing lungsod.

Unang nakatanggap ng tawag sina PO1s Eric Jay Despabiladero at Rhufino Aurio Robles mula sa isang residente at inireklamo ang umano’y panggugulo ni Alabata, na armado ng improvised shotgun, habang naglalakad sa tapat ng Bldg. 11, dakong 11:15 ng gabi.

Internasyonal

ALAMIN: Saan puwedeng humingi ng tulong ang OFWs sa Iran, Israel?

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga pulis at narekober ang nasabing baril at isang bala bago idiniretso sa Manila Police District-Police Station 1 (MPD-PS1).

Samantala, isa pang suspek, si Jayson Zamora, 32, vendor,ng Bgy. 105 Vitas, Tondo ang nakumpiskahan ng .9mm Llama pistol at isang magazine na kargado ng siyam na bala sa anti-criminality operation sa Aroma Temporary Housing sa Tondo, dakong 11:00 ng gabi.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition (RA 10591).