Ni REGGEE BONOAN

MUKHANG maraming naka-miss kay Jessy Mendiola na muling mapanood ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano na ang introduction ay nagtala ng 43% sa ratings game.

JESSY copy

Hiningan namin ng reaksiyon ang boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano sa pagbabalik-telebisyon ng aktres.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I’m happy na sobrang ganda ng pagtanggap sa kanya ng audience, nagbasa ako online lahat excited sa role niya,” sabi ni Luis.

Batay sa umeereng kuwento ng Probinsyano, si Jessy na nga bagong ka-love team ni Cardo Dalisay (Coco Martin) na kitang-kita naman sa mga titigan nila.

Pero ayon kay Luis, “Not sure sa love angle nila ni Coco” nang tanungin namin tungkol dito.

Sigurado kami may importanteng magiging papel si Jessy sa buhay ni Cardo bukod sa pagiging nurse nito na ginamot ang lahat ang mga nasugatang miyembro ng Vendetta o Pulang Araw.

Tanong pa namin kay Luis, bakit natagalan bago muling magka-show si Jessy?

“I think management ang mas tamang makasagot,”sabi ng kasintahan ng dalaga.

Anyway, base sa teaser ng FPJAP ay nakapasok na si Jessy sa kuwarto ni Romulo ‘Leon’ Dumaguit (Lito Lapid) na naatasang magbantay sa kanya.

Hindi naman sinabi kung sa nasabing hospital nagtatrabaho si Jessy o pakawala siya nina Cardo para mabantayan kung anong hakbang ang mga gagawin ng kampo nina Alakdan (Jhong Hilario) at Hipolito (John Arcilla).