Mula sa Entertainment Tonight

NASANGKOT na naman si Justin Bieber sa car accident.

Justin copy

Kinumpirma ng Los Angeles County Sherriff’s Department sa ET na sangkot ang 24 taong gulang na singer sa “light fender bender” bandang 9:00 ng gabi nitong Biyernes, sa West Hollywood, California, pero walang report na nakuha.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Sinabi ng saksi na naganap ang insidente sa Shamrock Social Club sa Sunset Boulevard. Hindi pa malinaw kung paano naganap ang banggaan, ngunit naniniwala ang saksi na nagkaroon ng aksidente dahil pumasok si Bieber sa kabilang lane.

“Justin ran over to the other car and talked to the driver immediately and cops arrived shortly after,” sabi ng saksi.

“Justin seemed relatively calm but very attentive to the driver, checking if they were okay.”

Idinagdag pa ng saksi na ang tail end ng kotse ni Bieber, na blue Mercedes G-Wagon, ay mukha namang maayos, ngunit nayupi naman ang front end ng kabanggaang kotse. Umalis na ang saksi, kaya hindi niya alam kung naimaneho pa ni Bieber ang sariling sasakyan.

Hindi ito ang unang pagkakasangkot ni Bieber sa banggaan ng sasakyan. Noong Hulyo, nabundol niya ang 57 taong gulang na photographer na si Maurice Lamont sa Beverly Hills pagkagaling sa church service sa The City Church.

Inilahad ng tagapagsalita ng Beverly Hills Police Department sa ET, pagkaraan ng ilang araw, na ang photographer ang may kasalanan kaya ito nabundol at hindi nakasuhan si Bieber.

Nitong nakaraang linggo, nabalita ang What Do You Mean? singer na mamataang kasama ang model na si Baskin Champion sa concert sa Los Angeles, habang kalat ang mga usap-usapan na naghiwalay uli sila ni Selena Gomez.

Sinabi ng isang source sa ET na, “Bieber knows everything he’s doing is going to get out,” at ang night out nito kasama si Champion ay sinadya.

“(Gomez is) off having fun with her friends and so he’s showing that he can still go out and have fun too. And to be honest, I’m sure there’s a part of him that wants to make Selena a bit jealous!” lahad pa ng source.