Mula sa Teen Vogue

ILANG buwan nang usap-usapan ang relasyong namamagitan sa Riverdale co-stars na sina Cole Sprouse at Lili Reinhart, dahil sa kanilang magkasamang social media appearances at paglabas-labas na magkasama.

Cole at Lili copy

Pero dahil hindi pa sila umaamin kung may relasyon nga ba sila o wala, patuloy ang espekulasyon ng fans na may namamagitan nga sa kanila. At nitong nakaraang linggo, nagdesisyon ang ilang fan na diretsong tanungin ang dalawa, sa kanilang paglabas sa PaleyFest, iniulat ng JustJared.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nangyari ito nang hayaan ng panel na magkaroon ng pagkakataon ang fans na magtanong sa kanila.

“Cole and Lili, there’s been a lot of rumors of you guys dating,” lahad ng fan. “Are you dating?”

“Was that the question or a statement?” balik-tanong ni Cole.

Sumagot ang fan sa pamamagitan ng kaparehong katanungan, kaya sumagot si Cole, habang nakatakip sa bibig ang kanyang jacket ng, “no comment.”

Habang nagaganap ang sagutan, nakatakip lamang ang kamay ni Lili ng kanyang mukha, at naghihiyawan naman ang audience na kinikilig sa nagaganap.

Bagamat halatang nagulat si Cole, hindi naman nagustuhan naman ng netizens ang naturang tanong, na nagsabing ito ay “inappropriate”.

“During the show panel i dont think thats appropriate for u to ask,” tweet ng isang user. “We still need to acknowledge their privacy especially with this kind of thing,” sabi naman ng isa pang follower.

At bagamat inamin ng iba na nais din nilang malaman ang totoong estado ng relasyon nina Cole at Lili, sinasabi nila na mahalagang maintindihan ng fans at ng mga manonood na hindi nila karapatan na malaman ang tungkol sa pribadong buhay ng paborito nilang celebrities. Kahit na public figure sina Cole at Lili, nasa kanila kung gusto nilang ibahagi ang kanilang personal na buhay sa kanilang fans.

Una nang isinapubliko ni Cole na nais niyang panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay.