Ni Orly L. Barcala

Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang kamag-anak ang isang kawani ng barangay hall sa loob ng kanyang kuwarto sa Caloocan City, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si John Venzuela, 30, kawani ng Barangay 176, Bagong Silang, ng nabanggit na lungsod.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Sa pagsusuri ng Scene on the Crime Operations (SOCO), may sugat sa bibig, may bakas ng palo ng matigas na bagay sa batok, at nakatali ng cell phone cord ang mga kamay ni Venzuela.

Batay sa imbestigasyon, dakong 1:00 ng hapon nang may naamoy na masangsang ang mga kamag-anak ni Venzuela mula sa kanyang kuwarto.

Ipinasya ng mga kamag-anak na pasukin ang silid ng biktima at dito tumambad ang bangkay ni Venzuela, na nakahubad pa.

Sa pahayag ni Rolly Cebu, Executive Officer ng Bgy. 176, wala umanong kagalit at mabait na tao si Venzuela, at malaking kawalan ito sa kanilang barangay.

Pagnanakaw ang isa sa mga sinisilip na motibo sa pagpatay sa biktima dahil nagkalat ang mga gamit nito sa lapag at nawawala rin ang motorsiklo nito.

“May nakakita daw na may kasamang lalaki itong si John at inihatid pa siya sa bahay,siguro itong magiging person of interest kapag nakilala,” ani Cebu.