Ni Nora Calderon

PAALIS ngayong umaga si Alden Richards kasama ang kanyang pamilya papuntang Dakak Park & Beach Resort sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.

ALDEN

First time na makakasama ni Alden sa beach ang kanyang pamilya para mag-bonding. Noon pumunta rin kasi sa isang beach sa Batangas ang pamilya niya during Holy Week, hindi siya nakasama dahil may show siya sa Canada.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya ini-schedule ni Alden habang maaga pa ang bakasyon nila na magkakasama this year at nagpaalam siya sa GMA para hindi siya bigyan ng trabaho ngayong Holy Week.

Gusto niyang bumawi dahil sa busy schedule raw niya, madalas na paggising niya ay tulog pa ang daddy at mga kapatid niya, at pag-uwi naman niya sa gabi ay tulog na rin sila.

“Pero susundin pa po rin namin ang nakaugalian na namin tuwing Holy Week na itinuro sa amin ng lola ko noong mga bata pa kami,” sabi ni Alden. “Kaya sa Good Friday, nakabalik na kami para sama-sama kaming makinig sa Seven Last Word. Then kapag Easter Sunday, sama-sama kaming nagsisimba. Nami-miss ko po talaga ‘yon.”

Bago umalis para sa bakasyon ng pamilya, nag-taping pa si Alden ng isang episode ng Magpakailanman na ipapalabas after the Holy Week.

Ayon kay Alden ay magiging busy na uli siya next month. Sa April 5, aalis na siya para sa second leg ng “Sikat Ka Kapuso” concert sa New Jersey on April 7 at sa Toronto, Canada sa April 8. First time niyang makakasama sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Betong Sumaya, at Dingdong Dantes. Pagbalik ni Alden mula abroad, magsisimula na siyang mag-taping ng bago niyang fantaserye sa GMA-7.