Ni Mary Ann Santiago

Walang biyahe ang mga tren ng Philippine National Railways (PNR) ngayong Semana Santa.

Sa abiso ng PNR, sarado ang terminal ng mga tren ng Metro South Commuter (MSC) simula sa Marso 29 (Huwebes Santo) hanggang Marso 31 (Sabado de Gloria).

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Babal i k ang regular na operasyon nito sa Abril 1, Linggo ng Pagkabuhay.

Kanselado rin umano ang mga biyahe ng MSC-1837 (Tutuban- Calamba), MSC-1907 (Tutuban- Mamatid), at MSC-1937 (Tutuban- Alabang) simula sa Marso 28, at muli na lamang bibiyahe sa Marso 31.

Simula ngayong araw, Marso 26, ay wala nang biyahe ang Bicol Commuter Train ng PNR, na tatagal hanggang sa Linggo, Abril 1.