IPAPAKITA na ng GMA-7 ang full trailer ng upcoming series na The Cure ngayong Lunes, Marso 26 na hindi dapat palampasin ng Kapuso viewers.

Ang nasabing programa ay pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez. Makakasama nila rito sina Jaclyn Jose, LJ Reyes, Ken Chan, Arra San Agustin, at Mark Herras.

Maganda at kaabang-abang ang kakaibang kuwento ng The Cure at malaki ang produksiyon nito. Huwag palampasin ang patikim na ito sa 24 Oras ngayong gabi.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser