Houston Rockets, umukit ng marka; Sixers, kapit sa playoffs

HOUSTON (AP) — Balik sa winning streak ang Rockets para sa bagong marka sa prangkisa ng Houston.

Ratsada si James Harden sa naiskor na 27 puntos para sandigan ang Rockets sa dominanteng 114-91 panalo kontra New Orleans Pelicans nitong Sabado (Linggo sa Manila) para sa ikawalong sunod na panalo.

Umabante ang NBA-leading Rockets sa 59-14 para lagpasan ang marka ng 1993-94 championship team para sa pinakamaraming panalo sa kasaysayan ng prangkisa.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Maagang nakontrol ng Houston ang laro at hindi nakatikim ng anumang hamon sa Pelicans tungo sa one-sided na panalo na nagpatatag sa Rockets sa unahan ng Western Conference.

Nag-ambag si Clint Capela ng 18 puntos, 16 rebounds, tatlong steals at career-high anim na blocks. Kumumbra naman si Eric Gordon ng 19 puntos.

Nanguna sa Pelicans si Anthony Davis sa nakubrang 25 puntos, walong rebounds at apat na blocks.

HORNETS 102, MAVS 98

Sa Dallas, ginapi ng Charlotte Hornets, sa pangunguna ni Dwight Howard na tumipa ng 23 rebounds at 18 puntos, ang Dallas Mavericks, para sa ikatlong sunod na panalo.

Naitala ni Howard ang career-high 30 rebounds at 32 puntos sa panalo laban sa Brooklyn nitong Miyerkules, ngunit nasuspinse ng isang laro bunsod ng ika-16 technical foul ngayong season sa panalo ng Charlotte sa Memphis, 140-79, nitong Huwebes.

Umabante ang Charlotte ng 15 puntos, ngunit nagawang makahabol ng Dallas sa 87-86 mula sa jumper ni Yogi Ferrell.

Nakakuha ng pagkakataon ang Mavericks na maagaw ang panalo nang makuha ni Dennis Smith, Jr. ang bola sa rebound mula sa mintis ni Hornets’ forward Jeremy Lamb, subalit naagaw ni Kemba Walker ang bola dahilan para mapilitang kumuha ng foul kay Marvin Williams may limang segundo ang nalalabi. Naisalpak nito ang dalawang free throws.

Nanguna si Walker sa Dallas na may 24 puntos at tumipa si Smith ng 21 puntos.

LAKERS 100, GRIZZLIES 93

Sa Memphis, Tennessee, hataw si Kyle Kuzma sa naiskor na 25 puntos at 10 rebounds sa panalo ng Los Angeles Lakers sa Grizzlies.

Nag-ambag si Julius Randle ng 20 puntos at 11 rebounds para tuldukan ang four-game losing streak ng Lakers, habang humirit sina Kentavious Caldwell-Pope ng 18 puntos at Lonzo Ball na may 12 puntos at 10 assists.

Kumana si Andrew Harrison ng 20 puntos sa Grizzlies, habang nagsalansan sina Marc Gasol ng 18 puntos at si JaMychal Green ay may 17 puntos at season high 16 rebounds.

SIXERS 120, WOLVES 108

Sa Philadelphia, naitala ni Ben Simmons ang triple-double, habang nadaig ni Joel Embiid si Karl-Anthony Towns sa labanan ng ‘big men’ para makalapit ang Philadelphia 76ers sa inaasaam na playoff berth sa nakalipas na anim na taon.

Kumubra si Simmons ng 15 puntos, 12 rebounds at 13 assists para sa ika-10 careet triple-double sa kanyang rookie season. Humugot si Embiid ng 19 puntos.

Nag-ambag si Dario Saric ng 18 puntos sa Sixers (42-30) para sa ikaanim na sunod na panalo at makalapit sa inaasam na playoff na huli nilang natikman noong 2012.

Nanguna si Andrew Wiggins sa Wolves na may 16 puntos, habang tumipa si Towns ng 15 puntos at 11 rebounds.

Sa iba pang laro, pinaluhod ng Detroit Pistons ang Chicago Bulls, 117-95; at pinalubg ng Orlando Magic ang Phoenix Suns, 105-99;