NGAYONG Linggo itatampok ang multi-talented Kapuso actress na si Carla Abellana sa well-loved comedy anthology ng GMA na Dear Uge sa episode na pinamagatang “Ang Babaeng Mahilig sa Signs”.

Carla Abellana 14 copy

Gagampanan ni Carla ang karakter ni Jessa, isang babaeng naniniwala sa destiny at mahilig magbasa ng horoscopes. Mula sa pagpili ng pagkain, hanggang sa damit na isusuot, naghahanap ng signs si Jessa para mahanap ang kanyang one true love.

Isang araw, makikilala ni Jessa ang hopeless romantic na si Richard na gagampanan ni Jerald Napoles. Sa hindi inaasahang pagkakataon, lahat ng signs na kanyang inaabangan ay nakatutok kay Richard.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Siya na kaya ang matagal nang hinihintay ni Jessa? Mamahalin kaya niya si Richard kahit hindi niya ito gusto?

Mapapanood ang Dear Uge ngayong Linggo pagkatapos ng Sunday Pinasaya sa GMA.