Mula sa Cover Media

GINULAT ng newly-single na si Zayn Malik ang fans sa muli niyang pag-bleach ng kanyang buhok, inulit ang kanyang blond look sa Pillowtalk video pagkaraan ng ilang araw simula nang mag-split sila ng modelong si Gigi Hadid.

Zayn

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nakunan ng litrato ang pop star na iba na ang itsura, habang nasa shooting ng kanyang latest music video sa Miami, Florida.

Naghiwalay kamakailan ang dating One Direction member at girlfriend ni si Gigi, na ayon sa malalapit na kaibigan ay bihira nang magkasama bago pa man nagdesisyong maghiwalay ng landas.

Kinumpirma ang malungkot na balita, isinulat ni Zayn sa Twitter na: “Gigi and I had an incredibly meaningful, loving and fun relationship and I have a huge amount of respect and adoration for Gigi as a woman and a friend. She has such an incredible soul.”

Kakatwa na ang huling pagkakataon na nakitang blond ang si Zayn ay sa video ng Pillowtalk, na nagtatampok sa kanila ni Gigi, na naglabas na rin ng pahayag tungkol sa break-up.

Ani Gi g i : “Br e a kup s t a t ement s of t en s e em impersonal because there is really no way to put into words what two people experience together over a few years... not only in the relationship, but in life in general.

“I’m forever grateful for the love, time, and life lessons that Z and I shared. I want nothing but the best for him and will continue to support him as a friend that I have immense respect and love for. As for the future, whatever’s meant to be will always be.”

Naging magkarelasyon sina Zayn at Gigi noong November 2015 – pagkaraan ng anim na buwan simula nang tapusin ang engagement ng una sa Little Mix singer na si Perrie Edwards.