NANGANGAMOY na makapagtala ng marka sa ilalargang 2018 World Pitmasters Cup (Fiesta Editon) 9-Cock International Derby na nakatakda sa April 28 hanggang May 5 bunsod nang patuloy na pagdagsa ng mga lahok para sa pamosong torneo sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

Itinataguyod nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, RJ Mea at Thunderbird’s top endorsers Engr. Sonny Lagon & Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa at suportado ng Thundebird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan.

Kabilang sa kompormadong lalahok ang tambalan nina Jap Gagalac at Clarissa Salazar ng Livewire Gamefarm; Engr. Jacob Lee ng LJ Red Crown Gamefarm; Jhay Pableo & partner Rene Maglayo; Barry Crisostomo; Philippine cockfighting’s “Mr. Cool” Dicky Lim; top breeder Rafael “Nene” Abello; sabong princess Rhona Bullecer; Arman Santos; Cong. Khulit Alcala; Nestor Vendivil at Anthony Lim ng Quezon.

Sanctioned ng Games & Amusements Board (GAB) na pinamumunuan ni Chairman Baham Mitra, ang 2018 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby ay may garantisadong cash prize ng P15 milyon para sa entry fee na P88,000 at minimum bet naP55,000.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Ang 2-cock eliminations ay gaganapin sa April 28 (Group A) at 29 (Group B), habang ang 3-cock semis ay sa April 30 (Group A) at May 1 (Group B).

Ang mga kalahok na may iskor na 3-3.5 ay sasabak sa 4-cock finals sa May 3, habang ang may iskor na 4, 4.5 & 5 puntos ay maglalaban sa May 5 para sa 4-cock grand finals.

Tumatanggap na ng reservations at makipag-ugnmayan lamang sa cellphone numbers 0927-8419979.