Mula sa MB Entertainment

SA wakas ay mabubuo nang muli ang ‘N Sync — ngunit hindi para sa bagong musika o tour.

Music- NSync

Sa Hunyo 3, 2000 file photo, ang mga miyembro ng N Sync, mula kaliwa, sina Lance Bass, Joey Fatone, Justin Timberlake, JC Chasez at Chris Kirkpartrick ay nagtanghal sa 9th annual MTV Movie Awards sa Culver City, California. Ang boy band ay pagkakalooban ng star sa Hollywood Walk of Fame sa Abril April 30.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dadalo sa event sina Timberlake, Chasez, Bass, Fatone at Kirkpartrick.

Inilabas ng ‘N Sync ang self-titled debut album sa United States noong 1998. Kabilang sa hit songs ng grupo ang Bye, Bye, Bye, It’s Gonna Be Me at Pop.

Muling nagkasama-sama ang lima noong 2013 sa MTV Video Music Awards, nang tumanggap si Timberlake ng Michael Jackson Video Vanguard Award.

Maaaring bumoto ang lahat ng mga celebrity para sa Walk of Fame star consideration. Ang pagpili ay ginagawa ng Hollywood Chamber of Commerce committee.

Dapat magbayad ang Walk of Fame honorees o kanilang sponsors ng $40,000 para sa bawat ibibigay na star.