Ni NORA CALDERON

WALANG post na umalis na para sa kanilang European vacation ang pamilya nina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Zia, hindi tulad ng dati na may pa-picture sila sa airport para maipaalam sa kanilang followers na paalis sila.

DINDONG AT MARIAN copy

Pero matagal nang sinasabi ni Marian na magbabakasyon silang mag-anak bago sila magsimula ng mga bagong teleserye nila ni Dingdong sa GMA-7.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Ang unang post ni Dingdong ay kuha sa asawa habang nasa Amsterdam, Netherlands na sila na may caption na, “My mowdel for the next two weeks.”

Sa manager ni Marian na si Rams David namin nalaman na last Monday umalis ang mag-anak for Europe. Pupunta muna sa sila sa iba’t ibang bansa sa Europe at sa last week nila ay sa Spain na sila para mabisita na nila ang family ni Marian sa Madrid.

Simula nang isilang si Zia, sa Facetime lang nakikita at nakakausap ng Papa Fran Gracia ni Marian ang apo. Nitong Christmas 2017 ay pupunta sana sila ng Spain pero parehong may teleseryeng ginagawa ang mag-asawa, sayang naman daw kung ilang araw lang sila roon, kaya humanap na lang sila ng mahaba-habang bakasyon para hindi nila kailangang magmadaling umuwi.

Sa latest post ni Dingdong ay nasa Holland na sila at enjoy si Zia sa kanilang #AyMayDagaPose ng kanyang Mama Marian. For sure, laging updated ang DongYan fans sa everyday post ng mag-asawa para maibalita kung nasaan man silang lugar. Maging si Zia ay may #ZiaUpdates #aroundZworld.

Bago umalis si Marian ay nakipag-meeting na siya kay Mother Lily Monteverde para sa bagong pelikulang gagawin niya.

Bago ikinasal kay Dingdong si Marian, may dalawa pa siyang pelikula sa contract niya sa Regal Films kaya kahit may offers ang ibang movie company ay hindi niya matanggap.

Kay Marian din namin nalaman na pagbalik nila ay ipi-present na ng GMA ang bagong project na gagawin ni Dingdong, kasunod ang para sa kanya. May tatlong projects na ipi-present sa kanya at bahala siya kung alin ang pipiliin niya.

But definitely, wala munang action scenes siyang gagawin, mas gusto niya ang dating concept na magpapaiyak siya ng televiewers, at bilang paghahanda na rin niya kung sakaling bigyan na sila ni Lord ng baby na kasunod ni Zia.

If ever, maging made in Europe kaya ang magiging kapatid ni Zia?