Ni Nitz Miralles

BIKTIMA ng body shaming si Lauren Young. Pinupuna kasi ng ilang viewers ng Contessa ang “katabaan” ng aktres. Magaling na artista raw si Lauren, pero kailangang magpapayat dahil halata ang malaking balakang.

Lauren Young 7 (1) copy

Maayos na sumagot si Lauren, hindi inaway ang body shamers.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“I will never apologize for not being the stick thin girl that everyone is used to seeing on TV. The important thing is that I’m healthy and in a good place in my life and I’m more than happy to represent women who are confident in their own skin,” sagot ng dalaga.

Hayun, basag si body shamer na kung bakit hindi na lang manood at huwag nang pakialaman ang timbang ng mga artistang pinapanood.

Ang bawi ng nangnega kay Lauren, pinuri ang kahusayan niyang gumanap bilang si Daniella Imperial na nagpapahirap at nang-aapi kay Bea (Glaiza de Castro). Minumura si Lauren dahil sa kahusayan sa pag-arte. First week pa lang, pero bumalandra agad ang kahusayan niya.

Samantala, nagpasalamat si Lauren sa GMA-7 na isinama siya sa cast ng Contessa.

“So overwhelmed with the feedback we’ve been getting from the pilot episode of #Contessa. I’m truly grateful to GMA for including me in this show with such a stellar cast. I can’t wait for the story to unravel!!! Hope you guys will continue to support us,” sey ng aktres.