Ni Orly L. Barcala

Sa selda ang bagsak ng 22- anyos na lalaki, na unang sinita dahil nakahubad baro, matapos makuhanan ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa “Oplan RODY” sa Valenzuela City, nitong Martes ng gabi.

Nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at city ordinance No.19 (half naked) si Darlkebt Cangle, ng Ilocto Street, Barangay Parada ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, nagsagawa ng anti-criminality campaign ang Police Community Precinct (PCP) 10, sa pamumuno ni Chief Insp. Willex Medina, sa kahabaan ng Parada Road, dakong 10:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Namataan ng mga pulis si Cangle na nakahubad baro habang nakatambay sa lugar at siya ay sinita.

Nang kapkapan, narekober sa suspek ang isang pakete ng umano’y shabu at agad siyang inaresto at dinala sa presinto.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, kabilang ang suspek sa drugs watch list ng Valenzuela Police.