Ni NITZ MIRALLES

NAG-STORYCON at nag-script reading na ang cast ng bagong series ng GMA-7 na produced ng GMA Public Affairs. Ito ‘yung My Guitar Princess na pagbibidahan ng love triangle nina Kiko Estrada, Gil Cuerva at Julie Anne San Jose.

JULIE ANNE AT GIL copy

Ang feeling namin, sina Julie Anne at Gil ang magka-love team sa morning series dahil sila lagi ang naggi-guest sa mga show ng GMA-7. Una silang nag-guest sa Wish Ko Lang, nasundan ng Dear Uge at nitong huli, nag-taping sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Karina Bautista, PH navy reservist na

In fairness, maganda ang ginagawang ito ng GMA Public Affairs, sinasanay ang viewers na madalas mapanood ang tambalan nina Julie Anne at Gil para ‘pag umere na ang My Guitar Princess, pamilyar na ang tao sa tambalan nila.

Also, by that time, lumabas na ang kanilang chemistry na kailangan sa magka-love team.

May mga nakita na pala kaming photos ng cast na kinabibilangan nina Sheryl Cruz, Isabelle de Leon, Jazz Ocampo, Maey Bautista, Marc Abaya at marami pang iba. Ibig sabihin, nag-pictorial na sila, pero after Holy Week pa raw sisimulan ni Direk Nick Olanka ang taping.

Samantala, nag-celebrate na ng 22nd month as couple sina Julie Anne at Benjamin Alves. Going strong ang relasyon ng dalawa, nagsusuportahan sa kani-kaniyang career, walang nababalitaang nag-aaway sila at kung mag-away man, hindi binu-broadcast, kaya walang intriga.