Mula sa Entertainment Tonight

NAGLULUKSA ang Riverdale star na si Lili Reinhart sa pagpanaw ng kanyang lola.

Ibinahagi ng 21 taong gulang na aktres ang balita sa kanyang Instagram nitong Martes, sa pamamagitan ng pag-post ng larawan ng kanyang lola, kasama ang madamdaming caption.

“My Nana went to heaven this morning,” sulat ng Cleveland, Ohio native, na gumaganap bilang si Betty Cooper sa popular na CW series. “I’m heartbroken. Speechless. All I can say right now is how loved she was by her entire family.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“We will miss her more than words can say,” dagdag pa niya.

Nagpahayag din ng pagluluksa ang ina ng young star, si Amy Reinhart, sa kaniyang Instagram, at nagbahagi ng tulang pinamagatang Embracing Hope.

“I struggle some, but I will cope; For I will be embracing hope; That brings me peace and lets me see; You are not gone, you live in me,” saad sa huling bahagi ng madamdaming tula.