Ni Jeffrey G. Damicog

Magsasampa si Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II ng kasong libelo laban kay Senador Risa Hontiveros matapos akusahan ng huli ang kalihim na gumagawa ng mga pekeng balita (fake news) at kaso.

“You could see libel cases filed against her,” pahayag ni Aguirre kahapon.

Tiniyak ng kalihim na maghahain siya ng libelo sa lalong madaling panahon laban sa senadora.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Kamakailan, muling ipinanawagan ni Hontiveros ang pagbibitiw ni Aguirre at inakusahan ang huli na “manufacturer and peddler of fake news.”

“He is a cook of fake cases. And now, a reliable friend of criminal masterminds, extrajudicial killers and drug lords,” diin ni Hontiveros.

“Mr. Aguirre has transformed the Department of Justice into his personal kitchen. Doon niya niluluto ang mga pekeng balita at pekeng kaso laban sa oposisyon. Doon din niya nilutong ma-absuwelto ang mga mamamatay tao, big-time plunderer at drug peddler,” giit ng senadora.

“Mr. Aguirre’s continued stay as Justice Secretary demonstrates how the Duterte government’s war on drugs is one-sided and a complete fakery. It is also a vulgar insult to the people and our quest for justice and accountability,” dugtong pa ni Hontiveros.

Matatandaang inulan ng batikos si Aguirre dahil sa pagkaka-dismiss ng DoJ sa drug complaint laban sa mga hinihinalang drug lord na sina Peter Lim, Rolan “Kerwin” Espinosa, Peter Co at iba pa.

Tinuligsa rin ang kalihim makaraang isailalim ng DoJ sa government protection ang umano’y “pork barrel” scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.