Ni NITZ MIRALLES

PASABOG agad ang paglabas ni Solenn Heussaff sa The One That Got Away dahil makikita siya ni Liam (Dennis Trillo) sa eksena habang naliligo sa swimming pool na naka-swimsuit.

Solenn_ lang

Napanood sa teaser na paahon pa lang sa swimming pool si Solenn at hindi pa alam kung one-piece o two-piece swimsuit ang suot, pero tiyak na hindi magpatatalo si Solenn sa paseksihan kina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ginagampanan ni Solenn sa TOTGA si George na ang description ay “uberly beautiful but slightly weird first love ni Liam.” Malalaman natin kung anong ka-weirduhan ang mga gagawin ni George sa show.

Mas makikilala pa natin si George sa mga susunod na episode ngTOTGA, kung ano halimbawa ang trabaho niya at kung magiging friends ba niya sina Alex (Lovi), Darcy (Max) at Zoe (Rhian).

Gamay na nina Dennis at Solenn ang pakikipagtrabaho sa isa’t isa dahil nagtambal na sila sa pelikulang Lakbay2Love na isa sa Filipino films na pinarangalan ng Cine Turismo ng Tourism Promotions Board under COO Cesar Montano.