Mula sa Page Six

NAGREREKOBER si Selena Gomez mula sa breakup blues kay Justin Bieber.

Selena copy

Nitong nakaraang linggo, ang bagong single singer ay nag-relax sa yate sa Sydney, kasama ang mga kaibigan, ilang araw makaraang maghiwalay ulit sila ng magkasintahan.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Suot ang orange bikini top at black bottoms, nakunang nagbabasa ng libro si Gomez, 25, habang nagbibilad sa araw sa luxury vessel.

Nang makipaghiwalay kay The Weeknd noong fall, nakipagbalikan ang Bad Liar singer kay Bieber, 24. Habang nagpapatuloy ang relasyon, humarap ang young couple sa mga pagsubok, gaya ng hindi pagsang-ayun ng ina ni Gomez, si Mandy Teefey, at sinabi sa Gossip Cop na ito ay “not happy” sa reunion ng dalawa.

“Selena is an adult and can make her own choices,” lahad ni Teefey. “She is 25 years old and knows what is at stake with her health.” Sumailalim si Gomez sa kidney transplant noong Setyembre upang gamutin ang kanyang lupus.

Ibinunyag ng isang insider na trust issue ang sanhi ng hiwalayan nina Selena at Justin.

“They’re supposedly taking a break. She has trust issues. He has trust issues. There’s a lot going on there. They do this all the time. They get into arguments,” sabi ng source sa Page Six TV nitong nakaraang linggo. “They’re not talking. It’s hard to keep up with those two!”