Ni MERCY LEJARDE
NAKAHANAP na ng bagong kinaiinisan ang televiewers sa katauhan ni Gina Alajar na napapanood ngayon sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Martin del Rosario, Jackie Rice at Mike Tan.
Asar ang viewers sa pagpapahirap na ginagawa ng karakter ni Gina bilang si Adele kay Thea (Yasmien) na na-diagnose na HIV positive. Lahat na yata ng pang-aalipusta, nakuha na ni Thea sa kanyang biyenan dahil ayaw niya ito para sa kanyang anak na si Marco (Mike). Marami sa comments ng netizens at viewers ang galit kay Gina. Para sa kanila ay hindi naman kasalanan ni Thea na magkaroon ng sakit. Naku, ngayon nga tila naaapektuhan na rin ang relasyon nina Thea at Marco dahil sa pakikialam niyang ito.
Ang mensahe ng Kapuso viewers kay Ms. Gina, humanda raw sa kanila. Tsk!
Hindi naman si Gina ang may kasalanan kundi ang scriptwriters at ang director na si Neal del Rosario. Joke lang, Direk, para mabanggit lang namesung mo, ‘yun na, ha-ha-ha!