Ni LITO T. MAÑAGO

TINOTOO ni Miguel Tanfelix ang regalo niyang all-expense paid trip to Japan sa kanyang screen partner na si Bianca Umali sa debut ng dalaga sa EDSA Shangri-La Hotel nitong Sabado ng gabi, March 17, na bigay sa kanya ng GMA Artist Center (GMAAC) at GMA Network.

Miguel at Bianca

Na-reveal ang gift ng leading man ni Bianca sa top-rating primetime show na Kambal Karibal sa 18 treasures segment.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa nakasulat sa card na binasa ni Bianca, nakasaad ang gift ng binata.

“Happy 18th birthday. I wish you all the happiness in this world. Please accept my humble gift to you, an all-expense paid trip to Japan,” na dahan-dahang binasa ng dalaga.

Tugon ng Miguel, “Kasi alam kong favorite country mo ‘yung Japan, di ba? Gusto ko ‘yung first labas mo sa Japan, kasama si Ninong Wil- ‘Mama (addressing to Bianca’s Lola Victorina), kasama si Ninong Wil, ha?’ Boss Vic (del Rosario, GMAAC) and Ms. Tracy (Garcia, GMAAC). So, Mama, huwag po kayong mag-alala dahil lahat kami, aalagaan namin si Bianca dahil gusto lang naming maging happy si Bianca.”

Sinuklian naman ito ng isang mahigpit na yakap ni Bianca.

Sa short video clip na ipinost sa Instagram account ng @kapusogirl, makikitang mangiyak-ngiyak si Bianca.

Sa tanang-buhay ng aktres, hindi pa raw talaga siya nakalalabas ng bansa. Nagkaroon kasi ng problema sa pagkuha niya ng passport noon kaya gustuhin man niyang mag-travel, hindi talaga uubra.

Pero naayos na ito at nabanggit din nga ni Bianca sa huling interview namin sa kanya bago ang kanyang grand debut na type niyang pumunta ng Japan ngayong 18 years old na siya.

Aniya pa, may mga kakilala at ilang kamag-anak siyang nakatira sa Land of the Rising Sun at balak din niyang pasyalan ang Disneyland kapag naging maluwag na ang showbiz schedule niya.