Ni ADOR SALUTA

KASAMA sa ilan pang pelikulang gagawin ni Cathy Garcia-Molina bago dumating ang sinasabi niyang retirement sa showbiz ang newest movie na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo this year.

DIREK CATHY, DIREK OLIVE AT KATHNIEL copy

Isa ang KathNiel project sa mga naipangako niyang gagawin sa Star Cinema bago siya magpahinga sa trabaho for personal reasons.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Magso-shoot kami sometime in April and hopefully it will be shown some time in July,” sabi ni Direk Cathy sa isang panayam.

Ayon sa box-office director, gusto niyang maigawa ng naiibang pelikula ang box-office love team.

“Well, kasi ang tagal din naming nag-break, kasi She’s Dating a Gangster ‘yung huli, ‘yung La Luna naman, eh, saglit lang ako, dalawang linggo, so nakaka-miss na makatrabaho sila. ‘Tapos tumanda na sila so I’d like to make a story, dagdagan natin ng konti, gusto kong i-stretch natin ng konti ‘yung dalawa, that’s why I have to meet with them and ipa-approve kasi baka ma-shock sila do’n sa gusto ko.”

Ecstatic ang lady director sa reunion niya with KathNiel.

“Basta gusto ko sana sila offer-an ng something they have never done before but will still, at the end of the day, kilig naman at saya ang hinahanap natin, eh, so I’m excited about the concept and I hope they will be excited too and sana ‘yung audience matanggap,” sey ni Direk Cathy.

This time, ang bagong Star Cinema head na si Olivia Lamasan na siya ring nasa likod ng kakaibang My Perfect You na pinipilahan ngayon sa mga sinehan ang mamamahala sa newest movie ng KathNiel.