Ni NORA CALDERON

MATAGAL-TAGAL na ring nagsimula ang taping ang cast ng Contessa sa pangunguna ni Glaiza de Casto, kaya sa gitna ng busy taping schedules ay looking forward si Glaiza sa papalapit na Holy Week at summer break.

Glaiza de Castro 7 copy copy

May taping break sila to observe the Lenten Season, kaya ang post niya sa Instagram, “I’d like to explore the Philippines, any beach recommendations?”

Karina Bautista, PH navy reservist na

Marami ang sumagot para mag-suggest ng magagandang beaches sa Pilipinas na puwede niyang puntahan, na siguradong ang kasama niya ay ang BFF niyang si Angelica Panganiban.

Pero mas excited pa rin si Glaiza na huhusgahan na simula bukas ang Contessa, na ipapalit sa top-rating afternoon prime drama na Ika-6 Na Utos na nagwakas nitong Saturday.

May pressure bang nararamdaman si Glaiza?

“Ayaw po naming magpa-pressure,” sagot niya. “Basta kami po sa production ay gagawin namin ang lahat para kung hindi man malampasan ay mapantayan namin sila. Magkaiba po naman ang storyline namin although dito ay ipaglalaban din ni Bea/Contessa ang karapatan niya bilang isang babae. Kung araw-araw po ay makikita ninyong umiiyak si Bea, ipakikita naman namin kung paano siya babangon. Dito ay uunti-untiin ni Bea ang paghihiganti niya sa tulong ng best friend niya, which will be played by Jak Roberto.”

Malaking hamon din ang mataas na ratings ng Ika-6 Na Utos sa buong cast na kinabibilangan nina Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, Chanda Romero, Tetchie Agbayani, Leandro Baldemor, Dominic Roco, Bernadette Allyson, Melissa Mendez, Tanya Gomez, Karel Marquez, Phytos Ramirez, Denise Barbacena, Will Ashley, with the special participation of Mark Herras.