JAMES AT NADINE copy

Ni NITZ MIRALLES

ANG ganda ng poster ng Viva Films movie nina James Reid at Nadine Lustre na Never Not Love You na hinahalikan ng una ang noo ng dalaga. Pati si Iza Calzado, nagustuhan ito. As of press time kahapon, may 9,861 likes na ang poster sa Instagram post ni Direk Antoinette Jadaone.

Pero may isa pang posters ang pelikula na hindi napili at ang tawag ng production dito ay “posters that didn’t make it/ang mga posters na umuwing luhaan.” Makikitang magkatabing nakahiga sina James at Nadine at feeling namin, mas pag-uusapan dahil sexy.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Anyway, may nakasulat sa official poster ng Never Not Love You na, “Ang pag-ibig ay bullshit.”

Siguradong nasagot sa mediacon kagabi kung sino ang nag-dialogue nito kina Gio (James) at Joanne (Nadine) at kung bakit ganoon ang kanyang paniniwala sa pag-ibig.

Showing sa March 31 ang pelikula na napakarami ng kissing scenes nina James at Nadine. Sa napanood naming teaser, magli-live in characters nila, e, hindi ba’t napabalitang nagli-live in na talaga ang dalawa?