Ni LITO T. MAÑAGO

NAKABALIK na ng Pilipinas si Rocco Nacino mula Tokyo, Japan kasama sina Ariella Arida (Miss Universe 2013 runner-up) at Joyce Pring (TV at radio host), at owner ng sikat na clothing line na si Bench Chan para sa store visit sa Jins Japan, isang eyewear brand na magiging available na rin sa ‘Pinas soon.

Rocco copy

Bukas, isang bloodletting project ang magaganap sa Rufu’s Timog (fronting GMA Network), mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon through the initiative of Rocco, kasama ang kanyang Mommy Linda at fans club ng Kapuso hunk.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Rocco turns 31 years old on March 21 at ang beneficiaries ng birthday charity bloodletting event na ito ng award-winning actor ay ang pediatric cancer patients ng Pedia Oncology Ward ng Philippine General Hospital (PGH) at Bahay Aruga sa San Marcelino, Paco, Manila.

Inaasahan ng organizers ang pagdating ng ilang Kapuso stars at non-showbiz donors to participate in this endeavour.

Active participant ang former Starstruck 2nd Prince sa mga ganitong project.

Tuwing kaarawan ng binata, sinisikap niyang gawin ito sa Philippine General Hospital, o sa Bahay Aruga sa San Marcelino, Paco, Manila at sa iba pang institution.

There was one time, naengganyo kaming sumama kay Rocco sa kanyang gift-giving activity sa National Children’s Hospital, along E. Rodriguez Avenue. Nakita namin how enthusiatic this young man kapag kasama ang mga inosenteng batang biktima ng kanser.

Ramdam namin ang kanyang sincerity to mingle with this children, palibhasa’y licensed nurse sa totoong buhay. Hindi lang niya inabutan ng mga laruan at pagkain, nag-donate rin siya ng tulong-pinasyal sa mga magulang ng mga bata.

“Ang sarap ng feeling na nakakatulong ka sa kapwa. Naisi-share mo kung anong meron ka. Hindi pa man ako artista, ginagawa ko na ito, kasama ang aking pamilya,”  kuwento ni Rocco sa amin.

Habang naghihintay ng next project sa Kapuso Network, naghahanda na rin si Rocco sa return engagement ng Oh, Boy! & Oh, LOL! with leading men Derrick Monasterio (Inday Will Always Love You), Dave Bornea (The One That Got Away) at Jak Roberto (Contessa).

Makikigulo sa apat na guwapong Kapuso hunks sina Super Tekla at Donita Nose, mula sa direksiyon ni Marvin Caldito. Magaganap ito sa Music Museum sa May 18.