OAKLAND, California (AP) — Kumamada si Kevin Durant sa naiskor na 26 puntos para sandigan ang kulang sa player na Golden State Warriors, 117-106, kontra Los Angeles Lakers nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Patuloy ang pagpapagaling ng napinsalang paa ni two-time MVP Stephen Curry sa kanyang ika-30 kaarawan, habang sideline din ang dalawa pang All-Stars ng Warriors.

Nag-ambag si Zaza Pachulia, nagbalik sa starting line-up sa unang pagkakataon matapos ang All-Star break, sa naiskor na 10 puntos, 12 rebounds at limang assists para sa ikawalong sunond na home-game win ng Warriors na nakasigurado na sa ikaanim na sunod na playoff.

Nanguna si Julius Randle sa Lakers sa natipang 22 puntos at 10 rebounds, ngunit na fouled out sa fourth period, habang kumana si Isaiah Thomas ng 20 puntos tampok ang limang three-pointer at pitong assists.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

WIZARDS 125, CELTICS 124

Sa Boston, hataw si Bradley Beal sa natipang 34 puntos, tampok ang three-point play sa huling 1:25 ng ikalawang overtime, para sandigan ang Washington Wizards sa makapigil-hiningang panalo kontra sa Celtics.

May pagkakataon ang Celtics na maagaw ang panalo, ngunit sumablay ang three-pointer ni Jayson Tatum sa buzzer. Sumabak ang Boston na wala ang anim na players.

Nag-ambag si Otto Porter Jr. ng 18 puntos at 11 reboundsm habang kumasa sina Markieff Morris ng 20 puntos, Ian Mahinmi na may 14 at Tomas Satoransky na may 10 puntos para sa Washington.

Hindi nakalaro sa Boston ang mga may injury na sina All-Star point guard Kyrie Irving (knee) at center Al Horford (illness).

Nanguna si Marcus Morris sa Boston na may 31 puntos at 19 rebounds, habang umiskor si Terry Rozier ng 21 puntos at siyam na assists. Kumana si Tatum ng 19 puntos.

MAGIC 126, BUCKS 117

Sa Orlando, Florida, naitala ni Jonathon Simmons ang career-high 35 puntos, habang kumana si D.J. Augustin ng 32 puntos sa panalo ng Magic kontra Milwaukee Bucks.

Kumolekta si Nikola Vucevic ng 22 puntos,siyam na puntos at siyam na assists para sa Magic.

Nanguna si Giannis Antetokounmpo sa Milwaukee sa naiskor na 38 puntos.

KINGS 123, HEAT 119

Sa Sacramento, naisalpak ni De’Aaron Fox ang layup sa buzzer para maihatid ang laro sa overtime.

Naiskor ng King ang unang opensa sa extra period mula sa three-point play ni Zach Randolph tungo sa kabuuang 16 puntos na bentahe.

Nagsalansan si Buddy Hield ng 24 puntos para sa Kings.

Nanguna si Wayne Ellington sa nakubrang 22 puntos, habang tumipa sina James Johnson ng 18 puntos at 10 rebound.