Ni DHEL NAZARIO

Aabot sa 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos lamunin ng apoy ang 575 bahay sa limang oras na sunog sa Laong Compound, Barangay Almansa Uno, Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.

A fire razed the residential in Laon Compound Brgy. Almazan Uno and Samapguita Compound Brgy. Pilar Village. Almost 1000 families are rendered homeless and reached 5th alarm. ( Jun Ryan Arañas )

A fire razed the residential in Laon Compound Brgy. Almazan Uno and Samapguita Compound Brgy. Pilar Village. Almost 1000 families are rendered homeless and reached 5th alarm. ( Jun Ryan Arañas )

Sa ulat ni Fire Senior Insp. Pena Borlad, ng Las Piñas City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa bahay ni Marilyn Cura sa Phase 1, Laong Compound, Bgy. Almanza Uno ng lungsod, dakong 2:54 ng madaling araw.

National

FL Liza, ibinida larawan nila ng pamilya kasama si Imelda

Sa imbestigasyon ng mga arson investigator, gumagamit si Cura ng kahoy sa pagluluto.

Mabilis na kumalat ang apoy, umabot sa ikalimang alarma, sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa makikitid na kalye at kakulangan ng fire hydrants sa lugar.

Isang residente ang iniulat na nasugatan sanhi ng tinamong lapnos.

Nabatid na naapula ang sunog bandang 7:00 ng umaga at tinatayang nasa P1.5 milyon ang halaga ng natupok na ari-arian.

Pansamantalang tumutuloy ang mga biktima sa covered court ng barangay, habang nangako naman ng kaukulang ayuda ang lokal na pamahalaan.