NI Nitz Miralles

PAGKATAPOS ni Nadine Lustre, si Rhian Ramos naman ang may pasilip ng singit. Kung si Nadine ay kanang singit ang ipinasilip, si Rhian ay kaliwa naman.

Rhian copy

May debate ang netizens kung sino sa dalawa ang mas daring sa pagpapakita ng singit.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Nakakatuwa at nakakatawa ang comments na in fairness, positive at sa 328 comments, walang nam-bash kay Rhian.

Ginagawa pa siyang fit inspiration ng mga gustong magkaroon ng magandang katawan.

Pero, ang totoong nagsimula ng pasingit sa pictorial ay si Solenn Heussaff, check her Instagram at makikita ninyo ang pasingit na photo ni Solenn. Hintayin natin kung sino pa ang susunod na magpapasingit pictorial.

Samantala, may mga nainis sa karakter ni Rhian bilang si Zoe sa The One That Got Away dahil pumayag siyang maging fake girlfriend ni Gael (Jason Abalos) para hindi makuha ni Yvette (Ellle Ramirez) kay Gael ang anak nilang si Nemo. Kaya lang, naging careless si Zoe dahil nahuli siya nina Gael at Yvette na nakikipaghalikan kay Iῆigo (Ivan Dorschner). Dahil dito, kukunin ni Yvette si Nemo kay Gael.

Nalungkot ang Zoel (for Zoe and Gael) shippers sa takbo ng story ng TOTGA  at sinisi nila ang pagiging flirty ng karakter ni Rhian. Siniseryoso ng viewers ang napapanood na parang totoong nangyayari.

Anyway, puwede nang isulat na si Rhian ang leading lady ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa Imus Productions.

Nag-shooting na si Rhian sa episode nila ni Jolo na parang 72 Hours ang title sa direction ni Dondon Santos. Action movie ito at excited si Rhian dahil hahawak siya ng baril.