NANINDIGAN ang Wangs Basketball-Letran sa krusyal na sandali para maigupo ang Go for Gold-CSB, 91-88, kahapon sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Nabitiwan ng Couriers ang 13 puntos na bentahe mula sa matikas na ratsada ng Scratchers at makadikit sa 89-88 mula sa three-pointer ni Jay Alejandro may 11.4 segundo ang nalalabi.

May pagkakataon pa ang Go for Gold na maipuwersa ang overtime, ngunit sumablay ang three-point attempt ni Justin Gutang sa buzzer.

Nakopo ng Couriers ang ikatlong sunod na panalo para sa 5-2 karta, habang natikman ng Go for Gold ang ikalimang kabiguan sa siyam na laro.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tumatag naman ang kampanya ng Marinerong Pinoy nang pabagsakin ang Jose Rizal University, 84-62.

Nadomina ng Skippers ang tempo ng laro at napanatili ang double digit na bentahe sa huling limang minuto tungo sa ikalimang sunod na panalo. Tangan ang 6-2 karta, tabla ang Marinerong Pilipino sa Akari-Adamson sa ikalawang puwesto.