Ni REGGEE BONOAN

HAWIG sa kuwento ng The Blood Sisters --  kung paano nalaman ni Erika na may kamukha siya sa katauhan ni Carrie (Erich Gonzales) nang bumagsak ito sa harapan niya nang pagbabarilin ng mga tauhan ni Fabian (Dante Rivero) -- ang pagkikita naman nina Mona at Lisa (Jodi Sta. Maria) sa Sana Dalawa Ang Puso na umere sa Dos nitong Huwebes.

Kambal sina Mona at Lisa na pinaglayo rin ng tadhana at nagkita nu’ng tumakas ang una sa club na pag-aari ni Mr. Chua (William Lorenzo) na may-ari ng mga diyamanteng ninakaw sa kanya ni Mr. Supapi (Leo Martinez).

Anyway, hindi alam ni Lisa na magkakilala sina Mona at Martin (Richard Yap) at type ng kakambal niya ang husband-to-be niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At sa paghahanap ng solusyon ni Lisa para atrasan ang kasunduang kasal nila ni Martin (Richard) ay nakipagkita siya kay Donnie Pamintuan (Victor Silayan), isa ring negosyante na makakatulong sa kanilang kompanyang LGC, sa Club Manila E kung saan nagkita sina Mona at Mr. Chua.

Mukhang inaalat si Mona dahil nawalan siya ng trabaho sa hotel na isa si Martin (Richard) sa mga may-ari at ang papa niyang si Ramon Bulalayao (Edgar Mortiz) ay naaksidente at hindi pa puwedeng magtrabaho.

Sino kaya ang tutulong sa kanya, si Martin o ang kakambal niyang si Lisa para bigyan siya ng trabaho.

Samantala, may itinatago palang lihim ang katauhan ni Leo Tabayoyong (Robin Padilla) dahil dati siyang ‘agent’ na kinailangan niyang balikan para sa pamilya niya.

Lihim na natutuwa si Lisa (Jodi) kay Leo (Robin), na ikinatutuwa siyempre ng huli.

Samantalang si Martin ay galit na galit na kay Lisa dahil sa pamamahiya nito sa kanya na ikansela ang wedding engagement.