NI Nora Calderon

PAHINGA muna si Heart Evangelista sa paggawa ng teleserye pagkatapos ng My Korean Jagiya na pinagtambalan nila ng Korean actor na si Alexander Lee.

Wife duties muna ang ginagawa niya ngayon sa asawa ni Senator Chiz Escudero. Naroon siya sa opening ng bagong Sangguniang Panlalawigan Buiilding sa Sorsogon at isa sa nag-participate sa ribbon-cutting ceremony.

Pero ang isa sa mga pinagkakaabalahan nang husto ni Heart habang nasa Sorsogon sila ay ang Kusina ng Kalinga ng @gawadkalinga na may mga kitchens all over the country na nagpapakain ng nahigit that 500 kids araw-araw. Tumutulong si Heart sa pagluluto ng pagkain.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Yesterday, I learned a new dish! I don’t usually cook but the Kusina ng Kalinga team was kind enough to teach me their recipe. To everyone who’s worried they might not have the right skills to volunteer, you’re wrong! The only thing you need to bring is yourself and a positive attitude.

“Visit the @gawadkalinga Facebook page to see how you can help!”

Isa pa sa mga dahilan ni Heart kung bakit pahinga muna siya sa paggawa ng teleserye ay gusto na niyang magkaroon sila ng baby ni Senator Chiz.  Ipinangako niya sa husband niya na after ng My Korean Jagiya ay ang baby na nila ang paghahandaan niya.  Thankful siya sa asawa na understanding ito sa kanyang propesyon bilang artista.