NAKAHIRIT sa podium ang Philippine Army-Bicycology Shop, sa pangunguna ni Stage Three winner Pfc. Cris Joven, nang makopo ang ikatlong puwesto sa Team ITT Stage Eight ng 2018 LBC Ronda Pilipinas kahapon sa Tarlac. (CAMILLE ANTE)

NAKAHIRIT sa podium ang Philippine Army-Bicycology Shop, sa pangunguna ni Stage Three winner Pfc. Cris Joven, nang makopo ang ikatlong puwesto sa Team ITT Stage Eight ng 2018 LBC Ronda Pilipinas kahapon sa Tarlac.
(CAMILLE ANTE)

Team ITT sa Navy; Army-Bicycology Shop sa podium

TARLAC— Kung may nalalabi pang pangamba, tuluyan nang pinawi ng Philippine Navy-Standard Insurance ang agam-agam nang pagbidahan ang Stage Eight Team Time Trial upang patatagin ang kapit sa overall team classification sa 2018 LBC Ronda Pilipinas kahapon sa Tarlac Recreational Park dito.

Pinangunahan nina red jersey holder Ronald Oranza at defending back-to-back champion Jan Paul Morales ang ratsada ng Navymen para pagbidahan ang 42.1km lap sa pinakamabilis na 56 minuto at 17 segundo – halos tatlong minuto ang bentahe sa bumuntot na Go for Gold Developmental team.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Humirit naman sa podium ang Philippine Army-Bicycology Shop, sa pangunguna ni Stage Three winner Pfc. Cris Joven, sa tyempong 1:00:10 sa 12-stage cycling marathon na itinataguyod ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, Philippine Rabbit, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

Matapos ang walong mapaghamong stage, at may apat na lamang na nalalabi sa laban, nalikom ng Navy ang kabuuang oras na 82:19:52 kasunod ang Go for Gold Developmental team (82:52:24) at Army-Bicycology Shop (82:52:24).

At sa kasalukuyang katayuan, kumpiyansa na si Morales na mapapanatili ng Navy ang overall title, maging ang individual crown. Nakabakod na lamang ang hidwaan sa pagitan nila ng kasanggang si Oranza. Tumataginting na P1 milyon ang naghihintay para sa kampeon.

“Amin na ito,” pahayag Morales.

May tatlong araw na pahinga simula ngayon para makapagmuni-muni ang Navy para sa gagawing diskarte, gayundin ang mga karibal na inaasahang maghahanda para sa pagbabalik aksiyon sa Huwebes para sa 207.2km Silang-Tagaytay Stage Nine.

Susundan ito ng 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 sa Biyernes, 92.72km Calaca-Calaca Stage 11 sa Sabado at Stage 12 Filinvest criterium sa Araw ng Palaspas.