Sumiklab ang tensiyon nang magkasunod na tumayo at magtalumpati sina on-leave Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Associate Justice Teresita De Castro sa kumbensiyon ng Philippine Women Judges Association (PWJA) sa Manila Hotel, kahapon ng umaga.

Hon. Maria Lourdes P. A. Sereno, Chief Justice of Supreme Court of the Philippines behind her (From left to right) Associate Justice Estele M. Perlas-Bernabe, Associate Justice Teresita J. Leandro-De Castro, Hon. Antonio T. Carpio (Acting Chief Justice)  during singing of Supreme Court Hymm on the 23rd National Convention and Seminar of the Philippines Women Judges Association (PWJA) with the theme
Hon. Maria Lourdes P. A. Sereno, Chief Justice of Supreme Court of the Philippines behind her (From left to right) Associate Justice Estele M. Perlas-Bernabe, Associate Justice Teresita J. Leandro-De Castro, Hon. Antonio T. Carpio (Acting Chief Justice) during singing of Supreme Court Hymm on the 23rd National Convention and Seminar of the Philippines Women Judges Association (PWJA) with the theme "Fabulous at 30" today, March 08, 2018 at Manila Hotel. (Kevin Tristan Espiritu)

Kabilang sina Sereno at De Castro sa mga mahistrado ng Korte Suprema na dumalo sa 23rd Annual Convention Seminar at 30th Anniversary ng PWJA.

Katulad ng iba pang mahistrado, nakaupo rin sina Sereno at De Castro sa iisang mesa pero may tatlong nakapagitan sa kanila, sina acting Chief Justice Antonio Carpio, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto at Manila Mayor Joseph Estrada.

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara

Sa kanyang inspirational message, tinalakay ni Sereno ang impeachment complaint laban sa kanya kung saan binanggit ng punong mahistrado na hindi siya patitinag sa mga kasinungalingang ibinabato sa kanya, at sa mga pambu-bully.

Siniguro rin ni Sereno na ipaglalaban niya ang karapatan niyang makasagot sa Senate impeachment court upang marinig ng publiko ang kanyang panig.

Katwiran niya, hindi siya nabigyan ng panahon ng Kamara upang i-cross examine ang mga testigo.

“I look at any forum to try me other than the constitutionally exclusive form of impeachment as an admission by the complainant and my other detractors that after 15 hearings, they have failed to come up with any evidence which I can be convicted in the Senate,” bahagi ng pananalita ni Sereno.

Pagkatapos ng pagsasalita ni Sereno, tumayo sa podium si De Castro at nagsalita rin.

Humingi si De Castro ng paumanhin dahil ginamit pa ng Punong Mahistrado ang event para talakayin ang kaso nito, na maituturing aniyang subjudice.

Aniya, ibinigay ng SC ang lahat ng respeto kay Sereno kaya hindi na nito dapat tinalakay pa ang kaso sa naturang pagdiriwang.

Nakangiti lang naman si Sereno sa kanyang puwesto habang nagsasalita si De Castro.

Matatandaang isa si De Castro sa mga mahistradong tumestigo laban kay Sereno sa pagdinig ng House Committee on Justice sa kasong impeachment na inihain ni Atty. Larry Gadon laban kay Sereno. (Beth Camia at Rey Panaligan)