Ni Bert De Guzman
Pinagtibay ng House Committees on Government Enterprises, Legislative Franchise, at Transportation sa magkasanib na pagdinig nitong Miyerkules ang panukalang i-restructure ang Philippine National Railway System.
Nilalayon ng panukalang batas na lumikha ng Philippine National Railway Authority (PNRA) na mamamahala sa lahat ng aspeto ng operasyon ng railway corporations.
Itinatadhana rin nito ang pagtatayo ng tatlong hiwalay na korporasyon sa pagpapatakbo ng railyway – ang Luzon Railway Corporation, Visayas Railway Corporation (VRC), at Mindanao Railway Corporation (MRC).